Home » Headlines » Lalaking nagwala arestado

Lalaking nagwala arestado

Arestado ang isang 29-taong gulang na lalaki matapos niyang hamunin ng away ang mga taong dumadaan sa kalye at tangkaing barilin ang isang police officer sa Tondo, Manila, Miyerkules ng umaga.

Kinilala ng police ang suspect na si Christian John Achivar, resident of Novaliches, Quezon City.

Base sa initial investigation, dumadaan si Police Officer 1 John Caranto ng Manila Police District-Station 3 sa Dandan Street nang mapansin niya na sinisigawan ni Achivar ang bawat taong nakakasalubong dakong 11 a.m.

Nilapitan ni Caranto si Achivar at nagpakilalang isang police officer, ngunit sinagot siya ng suspect na “Wala akong pakielam sa’yo! Patay ka sa’akin!”

Binunot ni Achivar ang kaniyang baril at itututok sana ito kay Caranto ngunit biglang nahulog ang magazine ng armas.
Kaagad na inaresto ni Caranto si Achivar at dinala sa Raxabago-Tondo Police Station. (Analou de Vera)

comments