Home » Entertainment » Roxanne Barcelo is FHM’s cover girl for June

Roxanne Barcelo is FHM’s cover girl for June

THANKFUL and proud na ipinost ni Roxanne Barcelo sa kanyang Instagram account ang kauna-unahan niyang sexy cover para sa men’s magazine na FHM ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon nga sa caption ng IG post niya: “I am so happy to share with you my first FHM cover! #fhmroxanne Thank you FHM for celebrating this blissful season of my life. I enjoyed the whole process… from finding out from my PR manager, Jemuel Salterio @therealme_jemuelcsalterio, I was going to grace the cover, to receiving the pegs, to IG stalking the team for the shoot (LOL), to the actual pictorial, to the interview with the famous Allan @allanhernandez2178 all the way to reading the article and voting for the cover… You guys are fantastic to work with! Thank you for making this experience easy, epic and fun. I had a drink before doing the interview so I really went all out.’’

Sa isa pa niyang IG post inalala naman niya ang kanyang naging hosting stint para sa FHM 100 Sexiest Women event noong isang taon. Hindi niya inakalang magiging cover girl pala siya ngayong taon.

Bagama’t ito ang first FHM cover ni Roxanne, hindi naman ito ang unang pagkakataon na makita siya sa mga pahina ng FHM dahil noong June 2014 ay nag-sexy photo shoot na siya sa naturang men’s magazine para sa inside pages nito.

Incidentally, parehong buwan ng June ang kanyang naging FHM experience.

Samantala, bukod sa FHM cover, very blessed din si Roxanne sa kanyang showbiz career. Napapanood ang karakter niyang si Natalie sa ABS-CBN early primetime teleseryeng “Wildflower” bilang kontrabida ng bidang si Maja Salvador. May tatlong pelikula rin siyang nagawa – “Blood Hunters: Rise of the Hybrids”, “Way of the Cross”, at “Siargao” with Jericho Rosales. (Glen P. Sibonga)

comments