Home » Entertainment » Janine G., in love again

Janine G., in love again

4rayver n janine instagram copy

BIRTHDAY ni direk Ricky Davao noong May 31 at sinorpresa siya ng cast at production staff ng “Legally Blind” sa kanilang taping sa Windmills and Forest restaurant sa QC. Sama-sama silang kumain ng inihandang food na parang barkada sila sa set.

Nagsilbing birthday gift kay direk Ricky na extended for three weeks ang “Legally Blind,” kaya hindi lang siya ang natuwa, pati ang cast headed by Janine Gutierrez and Mikael Daez.

“Sobrang saya ko. Di namin ini-expect na mae-extend ang show namin. Happy din kami at thankful sa magandang rating at feedback sa show namin,” ani Janine nang nakausap namin sa taping ng LB.

Excited din siya sa kanyang karakter bilang Grace dahil aniya, puro paghihiganti na siya sa mga eksena. Palaban na siya. Sukdulan na ang kasamaan ni William (Marc Abaya) na nakayang patayin si Grace.

Happy heart

Kumusta naman sila ni Rayver Cruz? Ang ganda ng ngiti ni Janine Gutierrez na aniya, paminsan-minsan ay lumalabas sila. Isinama pa niya si Rayver nang dalawin niya sa ospital ang mommy ng isang friend niya. Nag-request daw ito na isama niya si Rayver dahil gusto nitong makita ang aktor.

Masaya ba ang puso niya ngayon? Smile lang si Janine na kilig-kiligan at may spark ang mga mata. Handa na ba siyang ma-in love muli? “Tingnan natin. Mabait si Rayver. Masayang kasama. Malalaman n’yo naman kapag ‘kami’ na. Kayo pa?

Ang sarap kayang ma-in love,” wika ni Janine.

No wedding plans

Nakausap din namin si Mikael sa taping ng “Legally Blind” na very vocal na ngayon sa relasyon nila ni Megan Young.

Mag-se-seven years na sila together na aniya, wala pa silang wedding plans.

Super nag-e-enjoy muna sila sa kanilang boyfriend-girlfriend relationship. “Ano’ng malay n’yo, bigla na lang ako mag-propose sa kanya? Ayoko ng long engagement. Pag nag-propose ako, gusto ko, kasalan na ang kasunod,” wika ni Mikael.

What if, i-pursue ni Megan ang kanyang Hollywood dream? Okey ba sa kanya ang long distance relationship? “Kung saan siya masaya, she has my full support. Hindi ko siya pipigilan sa gusto niyang gawin.

“Noong naging Miss World siya, long distance relationship kami. Nakaya namin at lalong naging strong ang relationship namin.”

comments