Home » Entertainment » Rodjun, boto kay Janine para kay Rayver

Rodjun, boto kay Janine para kay Rayver

4rodjun instagram copy

AYAW pangunahan ni Rodjun Cruz ang mga kaganapan sa younger brother niyang si Rayver at kay Janine Gutierrez. Nali-link ang dalawa at positive ang karamihang reaction. Boto sila sakaling magkaroon ng relasyon sina Rayver at Janine.

Bagay daw ang dalawa na parehong mabait. Guwapo si Rayver na match sa ganda ni Janine. Pareho pang matangkad.

“Ako rin naman boto kay Janine para sa kapatid ko,” sambit ni Rodjun nang nakausap namin sa set ng “Legally Blind.”

“Sobrang ganda at bait ni Janine,” dagdag pa ng aktor.

Ayon pa kay Rodjun, nakikita niyang muli kay Rayver ang mga ngiti at kakaibang kislap ng mga mata nito ngayon. For the longest time ay loveless si Rayver, kaya masaya siya sa nakikita niyang aura ngayon ng kanyang kapatid, ani Rodjun.

Napag-uusapan ba nilang magkapatid si Janine dahil katrabaho niya ang dalaga sa “Legally Blind”? Napag-uusapan din ba nila ni Janine si Rayver? Ngumiti lang si Rodjun na aniya, mas lalo silang naging close ngayon ni Janine.

Ex-girlfriend ni Rodjun (as Joel) si Janine (as Grace) sa “Legally Blind.” Off-camera, kung magpu-pursue si Rayver, chances are, maging girlfriend niya si Janine.

Si Rodjun naman ay ten years nang karelasyon si Dianne Medina. Anniversary nila this July. Pero wala pa silang balak magpakasal. “Nag-iipon pa kami,” ani Rodjun.

Hindi kaya sila magkasawaan sa tagal ng kanilang boyfriend-girlfriend relationship? “Kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo na siya pakakawalan. Araw-araw, gumaganda si Dianne sa paningin ko. Araw-araw ko siyang minamahal. Si God ang center ng relasyon namin at parati Niya kaming ginagabayan.”

comments