Home » Headlines » Anak ng reporter binaril

Anak ng reporter binaril

Patay ang anak na lalaki ng isang tabloid newspaper reporter nang pagbabarilin ng anim na motorcycle-riding men sa tapat mismo ng kaniyang bahay sa Caloocan City noong Biyernes ng gabi, ayon sa police report.

Kinilala ni Senior Supt. Chito Bersaluna, Caloocan Police chief, ang biktima na si Roman Magpoc Jr., 47, ng J. Ramos Street, Barangay 7, Caloocan. Anak siya ni Roman Magpoc Sr., reporter ng Agila ng Bayan.

Base sa investigation, si Roman ay binaril ng anim na kalalakihan habang nakatayo sa tapat ng kaniyang bahay sa Barangay 7, Caloocan, dakong 11:30 p.m.

Ayon sa witnesses, anim na lalaking naka-bonnet na nakasakay sa tatlong motorsiklo ang huminto sa harap ng bahay ng biktima at pinaulanan ng bala ang biktima. (Jel Santos)

comments