Home » Entertainment » Kris Aquino uumpisahan na ang kanyang Hollywood film

Kris Aquino uumpisahan na ang kanyang Hollywood film

Kris Aquino copy

MULING lilipad patungong Amerika si Kris Aquino upang umpisahan na ang kanyang pelikula sa Hollywood.

Bagama’t ayaw pa nyang sabihin kung anong pelikula ito, sinabi ni Aquino na uumpisahan na nyang mag-shoot para sa kanyang mga eksena ngayong Hunyo.

“We’re back on the 8th for my fittings for the Hollywood movie I’m not allowed to talk about – I’m filming my scenes this June 2017,” ayon sa post ni Aquino sa Instagram.

May hinala ang kanyang fans na kasama si Aquino sa pelikulang “Crazy Rich Asians” matapos nitong mag post sa social media ng mga nobela ni Kevin Kwan.

Bago nito, tumulak na sila Aquino at ang kayang mga anak na si Bimby at Josh patungong Japan para sa maikling bakasyon.

Sinabi ni Aquino na sobrang excited na ang kanyang mga anak na mamasyal sa mga amusement park doon.

“I can’t go on the daring amusement park rides & the numerous arcades in Tokyo that are part of Kuya’s (and Bimb’s) wish list,” ayon kay Aquino.

Sinabi rin ng 46-year-old na aktres at television host na handa na silang lumipat sa bagong bahay nila pagdating nila mula Japan.

“This is our last night here, after more than 7 months, we are leaving The Residences @shangrilafort first for Kuya’s birthday celebration in his favorite food destination and finally moving into our new home upon our return,” sinabi ni Aquino.

Dagdag pa nya: “To the staff of @shangrilafort THANK YOU for respecting our privacy, your attentive service, and caring attention especially in keeping our units very clean;”
“And a special thank you to everybody @kerrysportsmanila for helping my boys become fitter. Even if we are moving back to Quezon City, they shall continue their workouts here with Coach Christian and Coach Marla and because the manager Jonathan is really so genuinely kind hearted,” ayon kay Aquino.

comments