Home » Entertainment » Liza undergoes training para sa Darna movie

Liza undergoes training para sa Darna movie

6liza instagram copy

Matapos ipahayag ng ABS-CBN at Star Cinema na si Liza Soberano ang final choice para gumanap bilang bagong Darna, sumasailalim na sa matinding training ang Kapamilya star.

Nag-wo-work out na si Liza sa isang gym bilang paghahanda sa mga gagawin niyang action at fight scenes sa “Darna” movie na si Erik Matti ang direktor.

Si Bok Santos ang fitness trainer ni Liza na nag-post sa social media ng pictures nila na aniya, gagawin nila ang lahat para ma-achieve ang kanilang goals sa pagganap ni Liza sa naturang iconic role.

Hindi lang naman kasi ganda ang kailangan para sa karakter na gagampanan ni Liza. Kailangang malakas siya at physically fit.

Meron din siyang stunt training at dance workshops para sa movements niya sa mga eksenang gagawin niya kapag nagsimula na ang shooting ng “Darna.”

Sasailalim din si Liza sa acting workshops at pagbibitiw ng mga dialogue. Matinding training talaga ang pagdaraanan niya. Biggest break ever ito ni Liza at malaking challenge sa kanyang career. Kumbaga, make or break ang naturang project.

Nangako si Liza na gagawin niya ang kanyang best para huwag mabigo ang malaking expectations sa kanya. Aware siya na she can not please everybody. Kung may mga aprubado sa pagkapili sa kanya bilang bagong Darna, meron ding kontra.

Mariin namang itinanggi ng manager ni Liza na si Ogie Diaz ang tsikang diumano’y ginapang niya ang Darna role for her. Aniya, hindi siya gano’n ka-powerful para manggapang ng project para sa kanyang alaga.

comments