Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Pondo para sa Pagbabago, inilunsad

Pondo para sa Pagbabago, inilunsad

KORONADAL CITY, South Cotabato (PIA) – Pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) 12 at ng Small Business Corporation (SBC) ang paglulunsad ng programang Pondo Para sa Pagbabago (P3) sa SOCCSKSARGEN Region.

Mahigit 27 na mga Micro-Finance Institutions (MFIs) sa iba’-ibang panig ng rehiyon ang dumalo sa “P3 roll-out” sa Lungsod ng Koronadal, kasabay din sa isinagawang nationwide roll out sa iba’t-ibang panig ng kapuluan.

Nilinaw ni DTI 12 Information Officer Vanessa Claire Plena na ang P1 bilyong pondo ng programa na nauna ng ipinangako ng Pangulong Rodrigo Duterte para tulungan ang mga maliliit na negosyante na makakuha ng abot-kayang puhunan ay maaaring ma-access sa Small Business Corporation at sa mga accredited nitong mga micro-finance institutions.

Tutulong ang DTI sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa pamamagitan ng mga business counsellors nito na nasa mga Negosyo Centers sa buong rehiyon, ani Plena.

Dito sa rehiyon, mayroon pa lamang tatlong MFIs ang katuwang ng SBC sa pagpapalabas ng pondo ng R3. Ito ay kinabibilangan ng RFC, MASS-SPECC at ang Mediatrix MPC.

comments