Home » Entertainment » Rhian ayaw pang pakasal

Rhian ayaw pang pakasal

IPINAGDIWANG kamakailan ni Rhian Ramos ang kanyang 11th anniversary in showbiz. Pinasalamatan niya ang mga nakasama/nakatrabaho niya sa loob ng labing isang taon niyang pamamalagi sa industriya.

Inalala ni Rhian na una siyang ipinakilala sa telebisyon noong May 29, eleven years ago sa pangalang Rhian Denise Ramos. Una siyang napanood sa “Captain Barbell” na pinagbidahan ni Richard Gutierrez.

“It’s been eleven years of ups and downs. Learning, discovering the world and myself. Meeting people who changed my life and who have been part of the adventure,” bahagi ng post ni Rhian sa social media.

Marami na siyang nilabasang teleserye sa GMA7 at isa sa hindi malilimutan ang “The Rich Man’s Daughter” kung saan gumanap si Rhian bilang isang lesbian.

May special participation si Rhian sa “My Love from the Star” na pinagbibidahan ni Jennylyn Mercado.” Kontrabida siya rito na aniya, she doesn’t mind. May mga nagsasabing hindi niya dapat tinanggap ang role dahil nagbibida na siya.

Ani Rhian, hindi siya choosy sa role na ibinibigay sa kanya ng GMA. Ang mahalaga’y may project siya. Besides, fan siya ni Jennylyn at honored siya na magkatrabaho sila sa isang project.

Itinanggi ni Rhian na nai-insecure siya kay Jen, kaya no show siya noong presscon ng “My Love from the Star.”

About her lovelife, going strong ang relasyon ni Rhian and her non-showbiz boyfriend. Filipino-Chinese ito na isang businessman at car racer. Na-influence nito si Rhian na mahilig na rin ngayon sa car racing ang Kapuso actress.

Supportive boyfriend ito, ayon kay Rhian at never itong nakialam sa kanyang showbiz career. Kailan naman kaya ang kasal? “Saka na ‘yun,” ani Rhian. (Rowena Agilada)

comments