Home » News » News Roundup » ‘Video karera’ player binaril

‘Video karera’ player binaril

Patay ang isang “video karera” player habang sugatan naman ang isang 12-taong gulang na binatilyo nang mamaril ang isang hindi kilalang lalaki sa Quezon City noong Sabado ng gabi.

Ayon sa police, dead on the spot si Winilmar E. Samacio, residente ng B 26, Lot 36, Phase 2, Relocation Heights, San Jose Rodriguez, Rizal, nang pagbabarilin ng salarin na nasa edad 30-35, may taas na 5’5’’, at nakasuot ng black t-shirt at gray short pants.

Napag-alaman na naglalaro ng “video karera” si Samacio kasama ang iba pang bystanders nang biglang sumulpot ang suspect at pagbabarilin ang biktima.

Tinamaan din ng bala sa right index finger si John Carlo Bedana na noo’y nanunuod lamang sa pagsusugal ng grupo ni Samacio.

Mabilis na tumakas ang gunman matapos ang insidente.

Na-recover ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang apat na basyo ng bala sa pinangyarihan ng krimen.

Hindi pa alam kung ano ang motibo ng pagpatay, ayon sa investigators. (Frrancis T. Wakefield)

comments