Home » Entertainment » Aicelle offers new song to newsman-boyfriend

Aicelle offers new song to newsman-boyfriend

7aicelle instagram copy

PAGKATAPOS i-celebrate ang first anniversary ng kanilang relasyon noong nakaraang April, naglabas naman ang Kapuso singer na si Aicelle Santos ng single titled “Palaging Ikaw” at dedicated ito sa kanyang minamahal, ang GMA news correspondent na si Mark Zambrano.

Nagkaroon ng following sa social media ang relasyon nila Aicelle at Mark or kung tawagin ng kanilang fans na “AiMark”.

Mula sa panliligaw ni Mark kay Aicelle noong nakaraang taon, hanggang sa sagutin na siya nito, at ang pag-celebrate nila ng isang taon ay sine-share nila sa kanilang social media accounts.

“’Yung song na ‘Palaging Ikaw’, siguro istorya ‘yon ng pag-ibig ko ngayon.

“Ang sumulat nito ay si Simon Peter Tan, na-produce na ‘tong mga kantang ito bago si Mark. So sabi ko napapanahon, sakto ‘yung kanta,” kuwento pa ni Aicelle.

Nag-shoot pa sila Aicelle and Mark ng isang music video at sabay itong ni-launch with the single.

Wish pa ni Aicelle na si Mark na nga ang lalakeng matatawag na nakatakda sa buhay niya.

“Sana nga’y kami na.

“For Mark, it’s ‘Sana nga’y tayo na’ kasi sa relasyong hindi pa naman nag-e-end in marriage.

“I mean, hindi pa napupunta do’n, we always pray and hope na dun din mahahantong ang lahat,” sey pa ni Aicelle.

Nang tanungin si Aicelle kung nakikita niya ang “forever” na kasama si Mark, mabilis na sagot niya ay: “I’m praying, but yes I see it.”

Bukod sa magandang career bilang singer, busy din si Aicelle sa paglabas sa isang teleserye. Gaganap siyang best friend ni Nimfa, na isa sa kambal na karakter na bibigyang-buhay ni Kris Bernal sa bagong afternoon prime series ng GMA-7 na “Impostora”.

Kasama pa nila Kris at Aicelle ay sina Rafael Rosell, Ryan Eigenmann, Assunta de Rossi, Elizabeth Oropesa, Sinon Loresca at Vaness del Moral. (RUEL J. MENDOZA)

comments