Home » Entertainment » Bea B. gustong maging action star

Bea B. gustong maging action star

7bea instagram copy copy

INAABANGAN ang announcement ng Star Cinema kung sinu-sino ang makakasama ni Liza Soberano sa “Darna” movie na ididirek ni Erik Matti.

Curious ang madlang pipol kung sino ang gaganap bilang Ding. Diumano, pinagpipilian ang child stars na sina Simon “Onyok” Pineda at Alonso Muhlach. Pwede rin siguro si Rykko Mateo. Maraming child stars ang ABS-CBN na pagpipilian ng Star Cinema.

Sa gaganap bilang Valentina, lumulutang ang pangalan ni Anne Curtis. Ayon sa Kapamilya actress, wala pa namang offer sa kanya. If ever, more than willing siyang gampanan ang karakter ng babaeng may mga ahas sa ulo.

Ayaw namang magbigay ng detalye ni Anne sa nalalapit na kasal nila ng fiance’ niyang si Erwan Heussaff. Aniya, intimate wedding ‘yun na ayaw niyang sabihin kung kailan at saan. Ayon sa isang source, sa November ang kanilang kasal. Abang-abang na lang.

Ikakasal na

Soon-to-be wed na rin sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap. Ayaw din nilang sabihin ang exact date ng kanilang kasal. Pero ayon sa ilang informants, sa August 8 this year magaganap ang kanilang garden wedding somewhere in Tagaytay.

Memorable place ‘yun kina Rochelle at Arthur dahil doon sila nagkakilala at nagkaibigan noong nag-taping sila ng “Daisy Siete” na ipinalabas sa GMA7. August 8 naman ang kanilang anniversary. Magna-nine years na ang relasyon nila bilang boyfriend-girlfriend.

Huling napanood si Rochelle sa “Encantadia” kung saan gumanap siya bilang Agane at Andora. Si Arthur naman ay napapanood sa “Pepito Manaloto.”

Pinsan ni Arthur sina Dingdong Dantes at Carlo Gonzales. Ang news reporter na si Luanne Dy naman ang girlfriend ni Carlo. Kailan naman kaya sila magpapakasal?

Di nakikita

Hindi ma-imagine ni Bea Binene na makikipag-kissing scene siya at magpapaseksi sa future projects na gagawin niya, either sa pelikula o sa telebisyon.

Kahit nag-post na siya ng kanyang photo sa social media na naka-swimwear, sinubukan lang daw niya ‘yun kung carry niya. Marami naman ang nag-like sa photo ni Bea.

“Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na magpaseksi. Mas gusto ko ang mag-action (laughs),” ani Bea na gumaganap bilang Anya sa “Mulawin vs. Ravena.”

Samantala, mada-download na sa iTunes, Spotify at Amazon ang theme song ng MVR, “Ikaw Nga” na version ng T.O.P. boy band.

comments