Home » Entertainment » Mikael Daez, pa-impress

Mikael Daez, pa-impress

8mikael instagram copy

NAG-DENY na sina Kim Rodriguez at Ellen Adarna na pregnant sila. Ani Kim, tumaba lang siya. Napasarap daw siya ng kain noong nagbakasyon siya.

Sabi naman ni Ellen, nagbakasyon lang siya sa hometown niya sa Cebu. Naging palaisipan pa nga kung sino ang nakabuntis kay Ellen nang lumabas ang tsismis tungkol sa kanyang kundisyon.

Ang mga umaming buntis ay sina Michelle Madrigal, Bangs Garcia at Pauleen Luna. Manganganak naman next month si Kylie Padilla sa baby boy nila ni Aljur Abrenica.

Kapapanganak pa lang ni Pia Guanio sa second baby nila ng husband niyang si Steve Mago. Brooklyn ang ipinangalan nila sa baby.

Suportado

Sakaling matuloy si Megan Young para i-pursue ang kanyang Hollywood career, sa New York siya magbe-base, ayon kay Mikael Daez.

Suportado niya ang kanyang girlfriend at hindi magiging isyu sa kanila ang long distance relationship. “Every weekend o kapag libre ako sa trabaho’y pupuntahan ko siya sa New York,” sabi ni Mikael nang nakatsikahan namin sa taping ng “Legally Blind.”

Can afford naman si Mikael dahil rich ang family niya at may sarili pa siyang kita. Aniya, hindi naman pwede mag-long term commitment si Megan abroad dahil may mga commitment din siya rito sa Pilipinas. If ever, baka raw six months to one year mamalagi sa New York si Megan.

Regarding his career naman, he’s doing good. Thankful si Mikael sa GMA na parati siyang binibigyan ng magagandang role at project tulad ng “Legally Blind.”

“I’m trying to impress the GMA bosses. Nagwo-workshop ako. I want to learn more, to be a better actor. Marami akong natututunan kay direk Ricky Davao at sa mga co-stars ko,” saad ni Mikael.

Torpe

Inamin ni Mikael Daez na torpe siya noong nagkakilala sila ni Megan Young sa isang event. Model siya noon at host si Megan.

Ipinakuha pa niya sa isang common friend ang telephone number ni Megan. Ipinapa-text niya ito para yayain si Megan na lumabas sila.

Sino sa kanila ni Megan ang mas malambing? “Ako. Dati mas seloso ako. Magse-seven years na kami together. She’s the one na talaga,” anang leading man ni Janine Gutierrez sa “Legally Blind.”

comments