Home » Entertainment » Yassi Pressman, mang-aagaw ng BF?

Yassi Pressman, mang-aagaw ng BF?

9yassi instagram copy copy

NALI-LINK ngayon sina Coco Martin at Yassi Pressman dahil magkasama sila sa isang teleserye ng ABS-CBN. Hindi ‘yun nagugustuhan ng fans nina Coco at Julia Montes, ang sinasabing “girlfriend sa dilim” ng aktor.

Bina-bash si Yassi ng fans nina Coco at Julia. Kung anu-ano’ng masasakit na salita laban kay Yassi ang ipinupukol ng mga ito. Feeling nila’y mang-aagaw ng boyfriend si Yassi. Wala namang inamin sina Coco at Julia sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ang iba nilang fans ay gusto pang tanggalin na raw si Yassi sa teleserye nila ni Coco at ipalit na lang daw si Julia.

Sa halip na patulan ang kanyang bashers, nakiusap si Yassi sa pamamagitan ng social media na huwag nang mag-away-away. May respeto siya sa lahat. Mag-respetuhan na lang ang isa’t isa.

Aniya pa, trabaho lang ang ginagawa nila ni Coco. Working partners sila. Huwag na raw sanang personalin ng fans. Mag-asawa ang ginagampanan nina Coco at Yassi sa kanilang teleserye, kaya natural lang na ipakita nilang sweet sila.

Off-camera, kung anuman ang namamagitan between Coco and Julia, nirerespeto ‘yun ni Yassi. Alam niya kung saan siya nakalugar. In fairness, never nabalitang nag-flirt si Yassi sa boyfriend ng may boyfriend. Never nabalitang papalit-palit, palipat-lipat siya ng boyfriend.

Si Sef Cadayona ang first boyfriend ni Yassi. After they broke-up, walang nabalitang sumunod na naging boyfriend ni Yassi.

comments