Home » News » News Roundup » 1 killed as bus rams tree

1 killed as bus rams tree

ABUCAY, Bataan – Patay ang conductor samantalang 13 passengers at driver ang nasugatan nang bumangga ang kanilang sinasakyang passenger minibus sa puno ng acacia sa Roman Superhighway, Barangay Laon dito kahapon ng umaga.

Kinilala ng Bataan police at Metro Bataan Development Authority ang biktima na si Roberto Cabantog, 42, ng Orani, Bataan, na dead on arrival pagdating sa Bataan General Hospital sa Balanga City.

Dinala sa naturang hospital ang 11 sa mga nasugatang pasahero at bus driver na si Rommel Sayson. Dalawa naman ang dinala sa Isaac and Catalina Medical Center Hospital sa Balanga.

Ayon sa investigation, galing San Fernando City, Pampanga papuntang Balanga ang bus nang mangyari ang insidente.

Sinabi ni Sayson na iniwasan niya ang isang tricycle pero bumangga ang bus sa puno ng acacia. Malaking sira ang tinamo ng harapan ng bus dahil sa aksidente.

Sinabi ng isang pasahero na nagulat siya at bumangga ang bus samantalang mabagal naman ang takbo nito. (PNA)

comments