Home » Entertainment » Arci, dating non-showbiz guy

Arci, dating non-showbiz guy

SABI na nga ba, pang-kilig lang kuno ang sweet-sweetan nina Daniel Matsunaga at Arci Muñoz noong magkasama sila sa “I Can Do That.” For show lang ang pagma-match sa kanila.

Noong natapos ang show, the end na rin ng tuksuhan sa kanila. Sinabi ni Arci na walang ligawang nangyari sa kanila ni Daniel. Hindi ito nanligaw o nanliligaw sa kanya.

Ang inamin niya’y she’s dating a non-showbiz guy na isang businessman. Deserve naman daw niyang lumigaya. One year na silang break ng non-showbiz boyfriend niya na anak ng isang prinsipe ng Brunei.

Akting naman

Missing in action si Raymart Santiago na nakalimutan na namin ang huling teleseryeng nilabasan niya sa GMA7. Hindi kaya niya nami-miss ang pag-arte sa harap ng kamera?

Mukhang hindi rin aktibo sa pagdidirek ng concert ang kapatid niyang si Rowell. Ang isa pa nilang kapatid na si Randy ang nasa limelight ngayon.

Matapos siyang mag-direk ng sitcom sa GMA, “A-1 Ko Sa ‘Yo “ at game show na “Wowowin,” aarte naman si Randy sa isang upcoming TV series ng ABS-CBN.

Nagulat pa si Randy na inalok siya ng acting job. Flattered daw siya na makasama sa cast. Maayos naman siyang nagpaalam sa Kapuso Network at kay Willie Revillame para makapag-focus siya sa akting.

Di lilipat

Sinundo lang pala ni Piolo Pascual si direk Joyce Bernal, kaya naispatan siyang nagpunta sa GMA7. May mga nag-isip agad na baka raw lilipat na si Piolo sa Kapuso Network.

May mga nag-isip din na nagtatampo raw si Piolo sa ABS-CBN, kaya gusto niyang lumipat sa GMA.

Si Joyce ang direktor ng “My Love from the Star” at pwede ring isipin na dinalaw siya ni Piolo. Long-time friends ang dalawa. Kasama rin sa cast ang PA (personal assistant) niyang si Moy Bien.

Malabong isiping gustong lumipat ni Piolo sa GMA dahil sa mga interbyu sa kanya, sinasabi niyang hindi niya ma-imagine na magtatrabaho siya sa ibang network, maliban sa ABS-CBN. Forever Kapamilya siya. Malaki ang utang na loob niya sa Kapamilya Network kung bakit narating niya ang kinalalagyan niya ngayon bilang isang artista.

comments