Home » News » News Roundup » Batangas mayor fatally shot

Batangas mayor fatally shot

Binaril at pinatay ng mga hindi pa nakikilalang lalaki ang mayor ng Balete, Batangas kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Leovino Hidalgo.

Ayon sa police, nanonood ng liga ng basketball ang biktima sa Barangay Poblacion nang dumating ang mga suspect sakay ng white van.

Bumunot ng baril ang isa sa mga suspect at pinaputukan ang biktima sa ulo. Tumakas ang mga suspect gamit ang kanilang sasakyan at dinala ang biktima sa hospital sa Lipa City, Batangas kung saan siya idineklarang patay.

Na-recover sa crime scene ang deformed slug ng M16 Armalite rifle.

Bumuo ang Batangas Provincial Police Office ng Special Investigation Task Group upang tutukan ang kaso. Anumang information sa insidente ay maaaring iparating sa 09262072776 o sa Balete Municipal Police Station.
(Danny J. Estacio)

comments