Home » Entertainment » Juday-Piolo, balik tambalan?

Juday-Piolo, balik tambalan?

11piolo n juday copy copy

NAGKITA at nagkasama sa isang event kamakailan sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual. ‘Andoon din sina Matteo Guidicelli at Ms. Charo Santos, former ABS-CBN president, TV host at balik-artista na rin ngayon.

Sa interbyu ng TV Patrol, inamin ni Ms. Charo na fan siya ng Juday-Piolo love team at gusto niyang magbalik-tambalan ang dalawa sa isang project.

Ms. Charo is looking forward sa isang reunion project para kina Juday at Piolo. Kilig-kiligan siya na muling mapanood ang mga ito.

Kapuwa naman nagpahayag ang dalawa ng willingness na magkatrabaho sila muli sa isang project. Ani Piolo, malaki ang utang na loob niya kay Juday. Career-wise, malaki ang naitulong ng kanilang love team para pumaimbulog sa kasikatan si Piolo.

Baguhan pa lamang noon si Piolo nang itambal siya sa isang project kay Juday na noon ay sikat na sikat na.

Nagkasunud-sunod ang ginawa nilang teleserye na ang huli’y noong 2006 ang “Sa Piling Mo.” Huling pelikula namang pinagsamahan nila’y ang “Don’t Give Up On Us” in 2006.

Matapos ang isang dekada, it’s about time na magkaroon ng reunion project sina Juday at Piolo. Ikatutuwa ‘yun ng kanilang fans and supporters.

comments