Home » Entertainment » Rachelle Ann Go wins at Theater Fans’ Choice Awards for ‘Miss Saigon’

Rachelle Ann Go wins at Theater Fans’ Choice Awards for ‘Miss Saigon’

Nabigyan ng parangal ang singer at ngayo’y kilalang Pinay Broadway star na si Rachelle Ann Go sa katatapos lamang na 2017 Theater Fans’ Choice Awards sa New York City.

Ginawaran si Rachelle bilang Best Featured Actress in a Musical award para sa musical na Miss Saigon.

Sa naturang musical, ginagampanan ni Rachelle ang role bilang si Gigi Van Tranh.

Ito rin ang same role na kanyang ginampanan sa London noong muling ma-revive ang Miss Saigon sa West End noong 2014.

Simula noong lumabas sa Miss Saigon si Rachelle, sunud-sunod ang mga parangal na natanggap niya. Ito na ang ikatlong award sa kanyang pagganap bilang Gigi.

Noong 2014, napanalunan ni Rachelle mula sa Broadway World UK/West End Awards ang Best Featured Actress in a New Production of a Musical.

In 2015, nagpagwagian ni Rachelle ang Best Supporting Actress in a Musical award mula sa 15th Annual Whats OnStage Awards.

Dahil sa bagong award niya, nagpaabot ng congratulations ang Miss Saigon kay Rachelle sa pamamagitan ng kanilang official Twitter account.

“Congratulations to @gorachelleann for winning “Best Featured Actress in a Musical” from the 2017 Theater Fans’ Choice Awards!” ayon pa sa tweet.

Sa nalalapit na 2017 Tony Awards, nominated in two categories ang Miss Saigon.

Nominated ito for Best Revival of a Musical at Best Actress in a Musical for Eva Noblezada na gumaganap ngayon na Kim sa Broadway.

As for Rachelle, tatapusin na lang niya ang Miss Saigon dahil magsisimula na siya ng training and rehearsals para sa paglabas niya sa musical na Hamilton na ise-stage sa West End London.

Gagampanan ni Rachelle ang role bilang Eliza Hamilton sa naturang critically-acclaimed musical.

Ise-stage ang Hamilton sa Victoria Palace Theatre in November 2017 at makakasama ni Rachelle ang isa pang Pinoy na si Christine Allado, who will play Peggy Schuyler/Maria Reynolds. (Ruel J. Mendoza)

comments