Home » Entertainment » Status nina Zanjoe, Bela, friendship daw

Status nina Zanjoe, Bela, friendship daw

12bela n zanjo instagram copy

“Friendship.”

Ito ang naging tugon ni Zanjoe Marudo nang matanong sa finale presscon ng “My Dear Heart” kung ano ang na-develop sa kanila ni Bela Padilla sa pagsasama nila sa naturang ABS-CBN primetime teleserye.

“Ngayon kasi ang estado naming ano pa e, taguan ng feelings,” sambit ni Zanjoe. “Lalo na ngayong patapos na ’yung show, yung commitment naming kailangan talaga buo, 100 percent kailangang ibigay naming dahil itong show na ito nagbibigay talaga ng moral lessons sa mga tao. So, mahirap haluan pa ng personal na kagustuhan.”

Muling inusisa ng press sina Zanjoe at Bela pagkatapos ng presscon. Ano ang reaksyon ni Bela sa sinabi ni Zanjoe na sa ngayon ay taguan pa lang sila ng feelings? “Ngayon alam ko na, may itinatago pala siyang feelings,” ani Bela.

Singit na panunukso naman ni Zanjoe, “Huwag mo nang itago.”

“Alam ko naman joke lang iyon,” ayon pa kay Bela.

“Ewan ko, joke siguro. Pero half-meant na rin iyon,” makahulugang sabi ni Zanjoe.

“Hindi po,” ang naging sagot ni Bela nang matanong kung sila na ba ni Zanjoe.

Gusto nga nila munang mag-focus sa pagtatrabaho lalo na’t nalalapit na ang pagtatapos ng My “Dear Heart” sa June 16.

Sa ngayon, puno lang ng pasasalamat sina Zanjoe at Bela sa tiwalang ibinigay sa kanilang ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television.

Si Bela naman matapos mamatay ang karakter niyang si Carmen sa FPJ’s “Ang Probinsyano” ay kaagad ding nabigyan ng Dreamscape ng kasunod na role bilang si Clara sa “My Dear Heart”.

Mapapanood ang huling lingo ng “My Dear Heart” mula June 12-16 pagkatapos ng FPJ’s “Ang Probinsyano” sa ABS-CBN Primetime Bida. (Glen P. Sibonga)

comments