Home » Headlines » 2 lasing patay sa shootout

2 lasing patay sa shootout

Patay ang dalawang lasing na lalaki nang makipagbarilan sa mga miyembro ng Batasan Police Station (PS-6) na dapat ay dadakip sa kanila dahil sa panggugulo sa kanilang lugar sa Quezon City noong umaga ng Linggo.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director Police chief Superintendent Guillermo Lorenzo T. Eleazar, naganap ang shootout sa Veterans Trail, Area 5, Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City, at about 4:30 a.m..

Kinilala ni Eleazar ang mga napatay na sina Toto Agno o Jareed Caduada at Dos Valerio, kapuwa residente ng Area 5, Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan.

Base sa report, nag-complain sina Keziah Amor Villar at Cyra Herras sa PS-6 laban sa dalawang lasing dahil nanggugulo sila sa burol ng isang kamag-anak.

Kaagad na rumesponde ang mga pulis ngunit tumakbo ang dalawang suspek pagkakita sa kanila.

Nang ma-corner pagkapos ng maikling habulan, pinaputukan ng baril ng dalawang suspek ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga alagad ng batas at tinamaan ang dalawa. Dinala sila East Avenue Medical Center ngunit namatay sila dakong 5:35 a.m.. (Francis T. Wakefield)

comments