Home » Headlines » Britney concert security tatalakayin

Britney concert security tatalakayin

Magsasagawa ang Southern Police District (SPD) ng isang conference ngayon sa headquarters para talakayin ang ipatutupad na security measure para sa nalalapit na concert ng singer na si Britney Spears sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City.

Sinabi ni Chief Superintendent Tomas Apolinario Jr., SPD director, na ang pagsasagawa ng final coordinating conference ay para siguraduhin ang kaligtasan ng concert-goers at maiwasang maulit ang insidente na nangyari sa concert ng international singer na si Arianna Grande sa Manchester, Great Britain, noong nakaraan buwan kung saan 22 katao ang namatay.

Ayon kay Apolinario, dadalo sa conference ang lahat ng ahensiya na involve sa security preparation ng concert ni Spears sa June 15, Huwebes, kasama ang National Capital Region Police Office, Pasay City Police at local government unit, Bureau of Fire Protection, at event organizers.

Sinabi pa ni Superintendent Jenny Tecson, SPD chief information officer, na ang inihandang “comprehensive security framework” para sa concert ni Spears ay ipatutupad din sa iba pang concert na gaganapin sa city sa mga darating na buwan. (Martin A. Sadongdong)

comments