Home » Entertainment » Kris Bernal: ‘Hindi kami compatible ni Renz’

Kris Bernal: ‘Hindi kami compatible ni Renz’

13Kris Bernal copy

Nais linawin ng Kapuso actress at bida ng GMA-7 afternoon teleserye na “Impostora” ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Renz Fernandez.

Ayon kay Renz, pinaasa lang daw siya ni Kris sa panliligaw nito noong nagkasama sila sa teleserye na “Little Nanay”.

Dagdag pa ni Renz, si Kris daw ang nagsabi ng ligawan siya nito, pero sa ending ay binasted lang siya.

“Noong mabasa ko ‘yung interview ni Renz, tinext ko siya.

“I told him na klaruhin niya ‘yung mga sinabi sa press kasi hindi totoong pinilit ko siyang ligawan ako.

“Nag-apologize naman siya at nagpaliwanag siya na baka na-misinterpret lang ‘yung naikuwento niya.

“Para kasing pinalalabas niya na ako pa ‘yung nagpilit sa kanya naligawan ako,” diin pa ni Kris.

Ayon kay Kris, si Renz daw ang humingi ng permiso kung puwede ba itong manligaw.

“Siyempre, pumayag naman ako kasi wala naman akong boyfriend that time.

“In fairness, kinilig naman ako. Parati niya akong pinadadalhan ng flowers. Pumunta pa siya sa bahay namin.

“Kapag nasa set kami ng “Little Nanay”, maasikaso siya.

“Feeling ko talaga para akong prinsesa noong nanliligaw siya,” pag-alala pa ni Kris.

Tungkol naman sa sinabi ni Renz na pinaasa lang niya ito at naramdaman daw nito na hindi pala siya type ni Kris.

“It’s not true. Aminin natin, guwapo si Renz at napakatalinong tao.

“Hindi ko naman siya pinaasang sobra.

“Yun nga lang, may mga bagay na na-discover naming na ‘di kami compatible.

“Okey kami sa ibang bagay, pero mahirap na ‘yung pasukin naming ang isang relasyon na sa ending ay magkakahiwalay din kami dahil sa naging incompatible kami.”

Ang naging mali lang daw ni Kris ay ‘yung hindi na niya sinagot ang mga text messages ni Renz.

“Yun siguro ang pagkakamali ko. Hindi ko directly sinabi sa kanya na tumigil na siyang manligaw.

“Akala ko kasi, by not answering his text messages, mage-gets na niya.

“Ayokong makasakit ng damdamin ng isang tao, kaya ayokong sabihin sa kanya personally. ’Yun pala, iba angn aging interpretation niya sa hindi ko pagsagot,” pagtapos pa ni Kris Bernal. (Ruel J. Mendoza)

comments