Home » Entertainment » Maine at Sef, secret lovers

Maine at Sef, secret lovers

Maine

Deadma lang si Alden Richards sa sexy photos ni Maine Mendoza na ipino-post ng huli sa social media. Conservative kaya ang Pambansang Bae at hindi niya like na pinagpipistahan ang kaseksihan ni Maine?

In fairness, may K (as in karapatan) naman i-flaunt ni Maine ang kanyang beach body. May porma naman ang kanyang katawan na prominent ang malaki niyang butt. Sa isang photo ni Maine ay kita ang “pisngi” ng kanyang “behind.”

Sobrang nag-enjoy si Maine sa bakasyon niya sa Maldives kasama ang isa niyang sister and some friends.

Persistent pa rin ang rumor na diumano’y may “something” sina Maine at Sef Cadayona kahit nag-deny na ang huli.

Ayon sa ilang taong malalapit sa kanilang dalawa, super maingat lang daw magtago ng kanilang relasyon sina Maine at Sef. Talaga lang ha?

Palabiro

Likas na makulit at palabirosi Derrick Monasterio. Pero si Bea Binene, kabisado na niya ang ugali ni Derrick. Alam niya kung kailan seryoso o kung nagbibiro lang ang actor sa maraming beses na nilang pagtatrabaho.

Ani Bea, seryoso si Derrick kapag nagbibigay ito ng regalo o simpleng panlilibre lang. Isang madaling-araw ay tinawagan siya ni Derrick at niyaya siyang kumain sila ng tapsilog. “Sabi ko sa kanya, ‘alam mo ba kung ano’ng oras na? Alas- kuwatro ng umaga.’ Hindi ako sumama. Inaantok pa ako,” kuwento ni Bea.

By the way, lumabas na ang karakter nila bilang Anya at Almirosa “Mulawin Vs. Ravena.” Enjoy si Bea sa flying scenes, lalo na sa eksenang naglalaro sila ng mga mulawin sa ere sa isang competition.

Palipat-lipat, papalit-palit

Rival networks ang pinagtatrabahuhan nina Ariel Rivera at Gelli de Belen. Nasa ABS-CBN si Gelli at kasama siya sa isang up coming series.

Nasa GMA7 namansi Ariel at kasamasa cast ng “Mulawin Vs. Ravena” kung saan gumaganap siya bilang Panabon.

Nag-switch lang sina Ariel at Gelli ng network. Dating Kapuso si Gelli, Kapamilya naman si Ariel.

Kasama ni Ariel sa “Mulawin Vs. Ravena” si Regine Velasquez na gumaganap bilang Sandawa, Reyna ng Kalikasan.

Ang asawa naman nitong si Ogie Alcasid ay nasa ABS-CBN at mag-Kapamilya sila ni Gelli.

Dati silang mag-Kapuso sa GMA na lumipat sa TV5. Then, napunta sila sa ABS-CBN. Palipat-lipat, papalit-palit sila ng networks. Nananatiling Kapuso naman si Regine.

comments