Home » Headlines » Gang man patay sa shootout

Gang man patay sa shootout

Patay ang isang miyembro ng isang criminal group nang manlaban diumano sa mga pulis, habang arestado naman ang tatlo pa niyang kasamahan sa Taguig City noong Lunes ng umaga.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director Chief Supt. Tomas Apolinario ang napatay na si Antonio Semining.

Dead on the spot siya dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Ang kaniyang mga kasapakat na sina Adel Sarip, Ricky Paniel at Alvin Peralpa ay nasa custody na ng police.

Ayon kay Apolinario, naganap ang insidente dakong 2:45 a.m. sa #18 A. Virata Street, Barangay Calzada Tipas, Taguig City.

Bago maganap ang insidente, nagsagawa ng operasyon ang miyembro ng National Capital Regional Police Office (NCRPO, R2-RPIOUO, RPSB, SRU) at Police Community Precinct (PCP) 5 ng Taguig City Police para dakipin si Semining sa bisa ng isang arrest warrant.

Tinangka ng suspek na barilin ang mga papalapit na operatiba, kung kaya’t napilitan gumanti ng putok ang mga pulis at napatay siya, sabi ni Apolinario.

Sumuko ang tatlo pang suspek nang makita nilang nakabulagta na si Semining sa kalye. (Jean Fernando)

comments