Home » Headlines » Baby lost in Pasay fire

Baby lost in Pasay fire

By: Jean Fernando

Isang five-month-old baby ang napabalitang nawawala habang dalawang fire volunteers ang nasaktan sa limang oras na sunog na sumiklab sa isang residential area sa Pasay City noong Martes ng gabi.

Ayon kay Pasay City Bureau of Fire and Protection, nagsimula ang apoy dakong 9:31 pm sa Tramo Street corner Buendia, at nadeklarang fire out sa oras na 3:04 am.

Sinabi ng BFP na umabot sa 40 pamilya ang nawalan ng bahay sa naturang sunog.

Ayon kay Blessy Runes, ina ng nawawalang sanggol, iniwan niya ang kanyang baby sa pangangalaga ng dalawa pa niyang anak na edad walo at dalawa para hanapin ang asawa.

Nang magkasunog, natagpuan niya ang dalawang anak na inaalagaan ng mga kapitbahay ngunit hindi na niya nakita ang kaniyang sanggol.

comments