Home » Headlines » Couple patay sa ambush

Couple patay sa ambush

By: Jean Fernando

Patay ang isang engineer at ang kaniyang abogadang asawa nang pagbabarilin ng dalawang nakamotorsiklong armadong lalaki habang papauwi sa kanilang bahay sa Las Piñas City noong Martes ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Marion Balonglong, Las Piñas police chief, ang mga biktima na si Engineer Felipe Yumol, 53, at asawang si Atty. Dolores, 57, resident e ng 43 Circle Drive, VAA Homes 2, Barangay Talon 2, Las Piñas City.

Binawian ng buhay ang mag-asawa habang ginagamot sa Peprpetual Help Hospital dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Base sa police investigation, naganap ang ambush dakong 6 pm sa kanto ng Castillo at E. Trinidad Streets, San Isidro, Barangay Pamplona 1, Las Piñas City.

Ayon sa witness na si Jayson Iglesia, helper, nakasakay ang mag-asawa sa Toyota Altis (ZJL 262) nang biglang lumitaw at humarang sa kanilang daan ang motorsiklo.

Walang sali-salitang pinaputukan ng mga suspek ang dalawang biktima, sabi ng witness.

Na-recover ng police sa crime scene ang pitong slugs at 14 basyo ng bala mula sa .45-caliber pistol.

Sinabi ni Balonglong na inaalam pa nila ang motibo sa likod ng pagpatay sa mag-asawa.

Ayon pa sa police official, tinitingnan pa nila kung may CCTV camera na naka-install sa crime scene para madaling makilala ang mga suspek.

comments