Home » Entertainment » Wonder Woman humanga kay Paolo Ballesteros

Wonder Woman humanga kay Paolo Ballesteros

Untitled-3 copy

Muling pinahanga ni Paolo Ballesteros ang kanyang mga fans nang mag transform siya bilang Wonder Woman sa pamamagitan ng make-up.

Pero ang hindi nya inaasahang hahangga sa kanya ay mismong si Gal Gadot na gumanap bilang Wonder Woman.

“Wow! This is incredible! Bravo!” ayon sa Tweet ni Gadot kay Ballesteros.

Pero mukhang na starstuck si Ballesteros sa tweet ni Gadot at wala syang masabi kundi “wow.”

Isa si Gadot sa napakaraming make-up transformation ni Ballesteros, star ng pelikulang “Die Beautiful,” ng mga sikat na tao sa buong mundo.

Si Gadot ay dating kandidata sa 2004 Miss Universe beauty contest. Hindi sya nagwagi ng kahit ano mang award sa nasabing beauty contest.

Pinalad naman siyang pasukin ang mundo ng show business sa Israel.

Sa isang panayam sa Hollywood, sinariwa ni Gadot kung paano nya nakuha ang role bilang Wonder Woman.

Aniya, pinag-audition sya ng kanyang agent sa Amerika para sa role na ito pero hindi sa kanya sinabi kung para saang pelikula.
Nakapasa sya sa unang audition. Umuwi muna uli sya sa Israel para sa kanyang mga showbiz commitments.

Pagkaraan ng ilang buwan, muli syang tinawagan ng agent nya para sa screen test at pinababalik sya sa Hollywood.

Hindi pa rin sinabi sa kanya kung para saang pelikula ito.

Pabalik na sya sa Israel at nang nag-landing na ang eroplanong sinasakyan nya, muli syang nakakuha ng tawag sa agent nya.

Sinabi sa kanya na nakapasa sya sa audition. Dito pa lang sinabi sa kanya ng kanyang agent na ang audition na pinupuntahan nya ay para sa pelikulang “Wonder Woman”.

Bigla syang nagsisigaw sa tuwa sa loob ng eroplano.

comments