Home » News » News Roundup » Lola patay sa QC fire

Lola patay sa QC fire

By: Vanne Elaine P. Terrazola

Isang 89-taong gulang na lola ang nasawi sa sunog na nagsimula sa kaniyang bahay sa Quezon City kahapon ng umaga.Natagpuan ng firefighters ang sunog na sunog na bangkay ni Juanita Falgui matapos maapula ang sunog sa residential area sa Scout Fuentebella Street, Barangay Laging Handa, dakong 4:01 a.m.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) Quezon City na sumiklab ang sunog bandang 2:57 a.m. sa kaliwang bahagi ng two-storey house ni Falgui.

Umabot sa second alarm ang sunog na tumupok din sa dalawa pang bahay sa lugar. Ayon kay Fire Inspector Rosendo Cabillan, chief ng BFP-QC investigation unit, nakita ang katawan ng matanda sa loob ng kaniyang bedroom malapit sa dirty kitchen. Napag-alaman na nag-iisa lang siya sa bahay nang maganap ang sunog.

comments