Home » News » News Roundup » Rob gang member patay sa encounter

Rob gang member patay sa encounter

By: Vanne Elaine P. Terrazola

Isang wanted na umano’y miyembro ng isang notorious robbery group ang napatay habang dalawang pulis ang nasugatan sa isang engkwentro sa Quezon City noong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ng police ang napatay na suspek na si Wilfredo Chavenia ng Barangay Sta. Lucia. Isa sa mga kasapakat niya na nakilalang si Gregy Ralph Pajanustan, 36, ang naaresto habang apat pa nilang kasamahan ang nakatakas.

Base sa police report, napatay si Chavenia nang tumanggi siyang sumurender sa mga operatiba ng Quezon City Police District’s Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) sa Liwanag Street, Barangay Old Balara, dakong 11:30 a.m. Miyerkules.

Ikinasa ng QCPD-CIDU ang operasyon laban kay Chavenia matapos makatanggap ng tip mula sa isang informant tungkol sa kaniyang kinaroroonan.

Nang dumating sa bahay ni Pajanustan ang mga pulis sa Liwanag Street, pinaputukan sila agad ng mga suspek. Tinamaan ng bala sa kanang kamay si PO2 Anthony Magallon at sa balakang naman si SPO3 Jonathan Caranza.

Napatay si Chavenia sa loob ng isang bahay sa kalapit na Pook del Paz Street samantalang na-corner naman ng mga pulis ang papatakas na si Pajanustan.

comments