Home » Entertainment » Benjamin Alves finds Julie Anne ‘very sexy’

Benjamin Alves finds Julie Anne ‘very sexy’

By RUEL J. MENDOZA

WISH sana ng Kapuso actor na si Benjamin Alves na kasama siya ni singer-actress at rumored girlfriend, Julie Anne San Jose sa Cebu noong magbakasyon ito sa isang beach resort.

Sey pa ni Benjamin na sana siya ang photographer habang nagpo-pose si Julie suot ang iba’t ibang sexy na bathing suit sa beach.

“I wish I was there also at the beach. It would be nice if I was the one taking the pictures.

“I wish I was there to spend time with her at the beach kasi hindi pa namin nagagawa iyon,” ngiti pa niya.

Nakakagulat daw ang confidence ngayon ni Julie dahil game na game itong mag-pose na parang isang swimsuit model na siyang ikinatutuwa naman ni Benjamin.

Kahit raw sexy ang mga photos ng kanyang girlfriend, hindi raw ito malaswang tingnan at rerespetuhin mo pa rin daw ang kung anong klaseng tao ni Julie.

“Julie is very sexy and for me, walang lust iyon.

“Pinapakita lang niya ang maturity niya as a person and there’s nothing wrong with that.

“I mean, mahirap magdala ng gano’n if you’re not confident in yourself and you don’t have that class in yourself, na hindi ka nagmukhang malaswa.

“When I saw it, it made me smile a lot.

“Malakas ang dating, pero you will still respect Julie for the artist that she is,” diin pa ni Benjamin.

Isang dahilan kung bakit hindi nakasama si Benjamin sa bakasyon na iyon ni Julie ay dahil sa taping nito ng bagong GMA-7 teleserye na “I Heart Davao”.

Huling napanood si Benjamin sa teleserye na “Pinulot Ka Lang Sa Lupa” at natuwa siya na nakasama niya sina Tom Rodriguez at Carla Abellana for the first time para sa “I Heart Davao”.

“We shot the teleserye for 17 days sa city of Davao. We immersed with the people there and Davao is such a beautiful city. Gusto kong bumalik para mas ma-explore ko pa ‘yung buong province,” pagtapos pa ni Benjamin Alves.

comments