Home » News » News Roundup » Housemaid pinaslang

Housemaid pinaslang

By: Vanne Elaine P. Terrazola

Patay ang isang housemaid matapos saksakin sa likod ng hindi kilalang salarin sa Quezon City, Linggo ng hapon.

Kinilala ng police ang biktima na si Rona Royol, 28, ng Jasmine Street, Ramirez Subdivision, Barangay Nova Proper.

Natagpuan siyang patay na sa Ilang-Ilang Street ng naturang barangay.

Base sa police report, nakita ng mga residente ang biktima na dahang dahang lumalakad sa kalye bago siya bumulagta sa lupa dakong 2:20 p.m.. Nang lapitan ng concerned ang biktima para saklolohan, napansin nila ang dugong dumadaloy sa kaniyang likod.

Ayon sa police, isang saksak ng kutsilyo sa likod ang tinamo ng biktima.

Ilang witnesses ang nagsabi kay Police Officer 3 George Caculba, case investigator, na nakita nila ang isang lalaki na nasa 5’7’’ ang taas at nasa 15 hanggang 20 years ang gulang na tumatakas sa crime scene.

Ayon kay Caculba, aalamin pa nila ang motibo ng pagpatay sa pamamagitan ng closed-circuit television footages malapit sa lugar ng insidente.

comments