Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Ayuda ng PRC

Ayuda ng PRC

KIDAPAWAN, North Cotabato (PIA) – Nananawagan ang pamahalaang panlungsod ng Kidapawan sa mga residente nito at maging sa kalapit na mga bayan na samantalahin ang serbisyo ng Professional Regulation Commission (PRC) sa susunod na linggo.

Ayon sa kalatas na inilabas ng Kidapawan City LGU, nasa Overland Terminal ng Kidapawan ang PRC Mobile Services mula Lunes, Hunyo 26 hanggang Hunyo 30, Biyernes.

Binigyang-diin sa naturang kalatas na bukas ang nasabing mobile service maging sa Lunes na naunang nang nadeklarang special nonworking holiday para bigyang daan ang selebrasyon ng Eid’l Fit’r, ang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan ng mga kapatid na Islam.

Kabilang sa mga serbisyong kanilang maibibigay ay pagpoproseso ng renewal ng professional license.

comments