Home » Entertainment » TV host, mahirap katrabaho

TV host, mahirap katrabaho

MAKATULONG naman kaya para muling sumigla ang career ni Charice Pempengco ang pagpalit niya ng pangalan? Jake Zyrus na ang pangalan niya ngayon, ang post ni Charice sa social media.

Ano naman kaya ang reaction ng kanyang lola at mommy? Tinutulan nila noon ang pakikipag-relasyon ni Charice, este Jake kay Alyssa Quijano. Nauwi rin ‘yun sa hiwalayan na diumano, si Alyssa ang nang-iwan sa kanya.

22randy copy copy

Tunog-girl kasi ang Charice na pilit siyang nagpapakalalaki. Sabi nga ng lola niya, kahit ano’ng gawin niya’y babae pa rin siya na nagkaka-monthly period. Hindi kaya ang susunod na gagawin ni Charice, este Jake ay magpa-sex change siya?

Di bagay

May mga comment ang ibang viewers ng “Celebrity Bluff” na hindi nababagay si Edu Manzano roon. Nagtataka sila kung bakit tinanggap niya ang game show na hindi naman pala siya co-host ni Eugene Domingo. Master bluffer lang si Edu na mas gusto nila itong host. Pwede naman daw ibang aktor o isa pang komedyante ang makasama ni Boobay bilang bluffer.

Kumbaga raw, hindi magka-level sina Edu at Boobay. Well…

Request ng viewers na sana’y bigyan si Edu ng ibang game show na siya ang host. Oo nga naman! Sayang naman ang talent niya sa hosting.

Di natagalan

Hindi katanggap-tanggap sa iba ang sinabi ni Randy Santiago na maayos siyang nagpaalam kay Willie Revillame. Na kesyo, walang isyu sa kanilang dalawa. Si Randy ang dating direktor ng “Wowowin” na aniya, gusto niyang umarte muli, kaya tinanggap niya ang offer ng ABS-CBN para mapasama sa teleseryeng pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sabi ni Randy, nagulat pa siya nang alukin siya para sa isang role na kalokohan lang naman daw ang gagawin niya.

Ayon sa ilang sources, diumano, hindi na raw natagalan ni Randy ang pakikipagtrabaho kay Willie. Diumano pa rin, nakakatensiyon katrabaho si Willie. Nag-iinit daw agad ang ulo kapag may pumalpak sa kanyang show. How true kaya?

For sure, hindi ito aaminin ni Randy. Throwback lang, dating Hawi boy noon ni Randy si Willie noong kasikatan niya sa “Lunch Date.”

comments