Home » Entertainment » December wedding for Ai-Ai and Gerald

December wedding for Ai-Ai and Gerald

KUNG walang pagbabago, ba-litang sa December 12 this year magpapakasal sina Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan.

Church wedding ‘yun na undisclosed pa kung saang simbahan, pati ang wedding reception.

23ai ai n gerald sibayan copy copy

Wala pang kumpletong detal-ye sa magaganap na kasalan, maliban sa wedding gown ni Ai-Ai na sagot ng “kambal” niyang si Marian Rivera.

Sa isang interbyu noon kay Ai-Ai, sinabi niyang maraming nag-prisintang maging sponsors sa kasal nila ni Gerald mula nang ipahayag nila ang kanilang engagement. Baka nadagdagan pa ‘yun by this time.

Sinabi pa niya noon na magpapakasal muna sila ni Gerald sa United States sa birthday niya on November 11 this year.

Birth month din ‘yun ni Gerald.

Sinabi pa ni Ai-Ai na next year ang kanilang church wedding. Pero noong nakausap nila ni Gerald ang kaibigan niyang pari na si Bishop Antonio Tobias, si-nabihan siya nito na maaari na silang magpakasal this year.

Namanhikan na kamakailan ang pamilya ni Gerald kay Ai-Ai. Balitang nagkaroon sila ng pre-nup agreement na mismong si Gerald ang humiling kay Ai-Ai. Ayaw daw ng fiancé ni Ai-Ai na may masabi ang mga taong nagdududa sa intensiyon niyang pakasalan ang Comedy Queen.

comments