Home » Entertainment » Nadine, ipinagtanggol ang best friend

Nadine, ipinagtanggol ang best friend

BINIGYAN ng malisya ng ilang fans nina James Reid at Nadine Lustre ang lumabas na video at photos sa social media na magkayakap si James at ang best friend ni Nadine na Mika ang pangalan.

Untitled-7 copy

Nagalit ang ilang JaDine fans at pinagdudahan ng ilang netizens na diumano’y may “something” na namamagitan between James and Mika. Na-bash ang dalawa, lalo na si Mika at kung anu-ano’ng masasakit na salita ang itinawag sa kanya.

Ayon sa bashers/haters, hindi raw magandang tingnan na magkayakap sina James at Mika dahil kaibigan pa mandin ito ni Nadine.

Hindi naman affected si Nadine sa lumabas na video/photos ng dalawa. Nag-post siya sa social media na wala siyang nakitang masama. Siya rin daw ay nakikipagyakapan sa mga kaibigan niyang lalaki na walang malisya. Hindi raw dapat bigyan ng malisya ang yakapan ni James and her best friend.

Ayon pa kay Nadine, husgahan na siya ng lahat, huwag lang ang mga kaibigan niya.

“They’re not even fans. They’re just there to hate and make issues. Disheartening the real fans,” bahagi ng post ni Nadine.

comments