Home » Entertainment » Jiro Manio, lumabas na ng rehabilitation center

Jiro Manio, lumabas na ng rehabilitation center

LUMABAS na si Jiro Manio sa isang rehabilitation center sa Bataan. Nainip daw ang dating child actor at kahit hindi pa tapos ang proseso sa panggagamot sa kanya ay nagpaalam na siya sa mga namamahala ng rehabilitation center na pinagdalhan sa kanya ni Ai-Ai delas Alas.

25jiro manio copy

Matatandaang noong unang ipina-rehab ni Ai-Ai si Jiro ay ilang linggo o buwan lamang nanatili roon ang dating child actor. Lumabas din agad si Jiro at nangako pa kay Ai-Ai na magbabago na siya.

But then again, bumalik si Jiro sa dating bisyo at muling nabarkada. And yet, tinulungan muli siya ni Ai-Ai. Muli niyang ipinasok sa isang rehabilitation center si Jiro.

Itinuring niyang isang tunay na anak si Jiro at pati ang mga sarili niyang anak ay sinuportahan ito at itinuring na kapatid. Sinayang lahat ni Jiro ang pagmamalasakit ng pamilya ni Ai-Ai.

Ang tanging hangad lamang ng Comedy Queen ay maging maayos ang buhay ni Jiro. Kung gusto niyang bumalik sa pag-aartista ay suportado siya ni Ai-Ai.

Kung muling mapariwara si Jiro dahil sa desisyon niyang lumabas sa rehabilitation center, walang pwedeng ibang sisihin kundi siya lamang. Ginawa lahat ni Ai-Ai ang makakaya niya para maisaayos ang buhay ng itinuring niyang anak.

Hindi lang financial, kundi moral support ang ibinigay ni Ai-Ai kay Jiro.

comments