Home » News » News Roundup » Bank worker binaril

Bank worker binaril

By: Martin A. Sadongdong

Patay ang isang 28-taong gulang na lalaki nang barilin ng hindi kilalang salarin habang sumasagot sa cellphone call sa Makati City noong Linggo ng gabi.

Dead on the spot si Edison Ken Dampa, tagahatid ng pera ng isang bangko, dahil sa apat na tama ng bala sa katawan, ayon kay Superintendent Jenny Tecson, chief of Southern Police District-Public Information Office.

Base sa report ng Makati City Police, binabagtas ni Dampa ang kahabaan ng Chino Roces Avenue sakay ng kaniyang motorsiklo dakong 11:10 p.m. nang makatanggap ng tawag sa cellphone.

Nang ipinarada ni Dampa ang motorsiklo sa roadside para sagutin ang phone call, biglang lumitaw ang gunman mula sa kaniyang likuran at ilang beses siyang binaril.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspect sakay ng isang taxi.

Patuloy pang sinisiyasat ng police ang insidente, at bahagi nito ang paghahanap sa taxi na ginamit ng suspect sa pagtakas.

Napag-alaman na galing si Dampa sa bahay ng kaniyang girlfriend sa Parañaque City bago naganap ang pamamaril.

Ayon sa isang witness, ilang oras na hinintay ng suspect sa loob ng isang cafeteria ang pagdaan ng biktima sa lugar ng krimen.

Na-recover ng police sa crime scene ang apat na basyo ng bala mula sa 9mm pistol.

comments