Home » News » News Roundup » P4-M cash tinangay ng ‘Akyat-Bahay’ gang

P4-M cash tinangay ng ‘Akyat-Bahay’ gang

By: Vanne Elaine P. Terrazola

Tinangay ng mga miyembro ng “Akyat-Bahay” gang ang mahigit sa R4 million cash mula sa bahay ng isang 80-year-old businessman sa Barangay South Triangle, Quezon City, noong Linggo.

Base sa police report, naiwan sa pangangalaga ng stay-in housemaid na si Michelle Hitaas ang bahay ni Sameul Dangwa nang pumunta ang pamilya sa Baguio City.

Sinabi ni Hitaas sa police na bandang 8 a.m. ng Linggo nang madiskubre niya na bukas isa sa mga silid ng amo at gulo-gulo ang gamit sa loob.

Nang puntahan niya ang silid ni Dangwa, nadiskubre niya ang vault ng amo sa restroom at nalimas na ang laman nito.

Ayon kay Dangwa, naglalaman ang vault ng P3.7 million cash at $12,000 bills (P602,700).

Sinabi ng mga imbestigador na nakakuha sila ng mga fingerprint sa bahay ng biktima. Patuloy ang investigation sa insidente.

comments