Home » News » News Roundup » Barangay chairman pinatay

Barangay chairman pinatay

By: Jaimie Rose R. Aberia

Isa na namang barangay chairman ang pinatay ng hindi kilalang gunmen sa Ermita, Manila, noong Lunes ng hapon. Dead on arrival si Barangay 670 Chairman Dante Gonzalo sa Manila Doctors Hospital dahil sa tatlong tama ng bala, ayon sa police report.

Napag-alaman na inaayos ni Gonzalo ang isang lamesa sa gilid ng isang entertainment bar sa kanto ng Mabini at Flores Streets nang pagbabarilin siya ng dalawang lalaking magkaangkas sa isang motorsiklo at nakasuot ng jacket at face mask bandang 4:30 p.m. noong Lunes.

Ayon sa mga residente ng lugar, nakarinig sila ng tatlong putok ng baril bago nakita nila si Gonzalo na nakabulagta sa daan.

Nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang Manila Police District homicide section. Noong nakaraang lingo, nakaligtas si Barangay 649 Chairman Kristo Hispano sa isang ambush sa Roxas Boulevard.

Nagtamo siya ng isang tama ng bala sa balikat. Naganap ang pamamaril kay Hispano isang araw matapos na patayin si retired Philippine Marines Master Sgt. Jugie Lim Omandac ng mga nakamotorsiklong salarin sa Intramuros district.

Napabalitang nagpaplano si Omandac na tumakbo bilang barangay chairman ng Baseco.

comments