Home » News » News Roundup » Worker nahulog mula sa school rooftop

Worker nahulog mula sa school rooftop

By: Analou De Vera

Patay ang isang construction worker nang mahulog sa mula sa rooftop ng isang school gymnasium building sa Binondo, Manila, noong Lunes ng hapon.

Agad na binawian ng buhay si Manuel Gabriel, nasa edad 40 hanggang 45, dahil sa matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan, ayon sa police.

Nasa rooftop si Gabriel ng Jose Abad Santos High School gymnasium sa Numencia Street, Binondo, nang mahulog siya dakong 4:45 p.m..

Napag-alaman na naglilipat ang biktima ng galvanized iron sheets mula sa rooftop nang bigla siyang madulas at bumagsak sa canopy sa first floor ng naturang building. Dinala ang labi ng biktima sa Archangel Funeral Homes.

comments