Home » Headlines » Snatcher arestado

Snatcher arestado

By: Analou De Vera

Arestado ang isang 17-gulang na binatilyo matapos niyang hablutin ang gintong hikaw ng isang 40-taong gulang na babae sa Tondo, Manila, Miyerkules ng gabi.

Dinala ang suspect (name withheld) sa Moriones Police Station matapos niyang pagnakawan si Rosemarie de Guzman, residente ng Ortega Street, Tondo.

Base sa initial investigation, namimili ng mga laruan si De Guzman para sa kaniyang apo sa kanto ng Ylaya at Padre Rada dakong 5 p.m. nang biglang hilahin ng suspek mula sa tainga ni De Guzman ang gold earings.

Agad na humingi ng tulong ang babae sa barangay officials na siyang humabol sa suspek na nakasuot ng black shirt at cargo pants.

Nang mahuli ng barangay officials, nakuha sa binatilyo ang gold earings ng biktima at dalawang sachets ng shabu.

comments