Home » Entertainment » Fhm Sexiest Woman 2017 is Nadine Lustre

Fhm Sexiest Woman 2017 is Nadine Lustre

By Ruel J. Mendoza

Pagkaraan ng mahabang paghihintay, pinangalanan na ang nagwagi bilang FHM Sexiest Woman in the Philippines 2017. Ito ay walang iba kundi ang Kapamilya star na si Nadine Lustre.

Untitled-6 copy

Marami ang nagulat sa pagiging number one ni Nadine sa bilangan. Pero masayang-masaya ang mga JaDine fans dahil for the first time ay malalagay na sa cover ng FHM ang kanilang idolo kahit na wholesome ang image nito.

Simula kasi noong unang ma-post ang photo ni Nadine na naka-bikini ito sa isang beach sa La Union, marami na ang nag-push at nagsabi na siya na ang matatanghal na Sexiest Woman ng FHM sa taong ito.

Noong magbukas ang voting ng FHM, hindi natinag sa number one spot si Nadine sa ilang buwan na botohan ng naturang men’s magazine.

Balitang shocked at masaya si Nadine dahil hindi niya naisip na balang-araw ay magiging sexiest woman siya ng FHM.

Dati-rati raw ay nakikibalita lang siya kung sino ang sexiest woman ng FHM. Ngayon ay ka-level na niya ang mga tinanghal na sexiest woman tulad nila Jennylyn Mercado, Marian Rivera, Sam Pinto, Katrina Halili, Cristine Reyes at marami pang iba.

Last year, umabot sa number 3 spot si Nadine sa FHM.

Ang mga nakasali sa Top 10 ay ang Kapuso Pantasya ng Bayan na si Kim Domingo (2); ang bida ng indie film na “Saving Sally” na si Rhian Ramos (3); ang last year’s number 1 sexiest na Jessy Mendiola (4); ang kontrobersyal na si Ellen Adarna (5); ang bida ng “My Love From The Star” na si Jennylyn Mercado (6); ang bida ng “La Luna Sangre” na si Angel Locsin (7); ang bagong Darna na si Liza Soberano (8); ang Dubsmash Queen at Phenomenal Star na si Maine Mendoza (9); at ang gumanap na Cassiopeia sa “Encantadia” na si Solenn Heussaff (10).

comments