Home » Entertainment » Rocco, Sanya handa sa maraming kissing scenes

Rocco, Sanya handa sa maraming kissing scenes

By GLEN P. SIBONGA

INAMIN ni Rocco Nacino na mas marami silang kissing scenes ni Sanya Lopez sa pinagbibidahan nila ngayong upcoming GMA afternoon teleseryeng “Haplos” kumpara sa una nilang pagsasama sa natapos na seryeng “Encantadia”.

Untitled-8 copy

“Yes, marami. Pero ang challenge sa amin, I mean, dahil napanood niyo na kung paano magmahal si Aquil at si Danaya through their passionate kisses and ‘yung pagkikita nila (sa ‘Encantadia’). Pero dito sa teleserye na ito, iyon ang challenge sa aming dalawa, na pag nagkaroon kami ng ganitong klaseng eksena, hindi Aquil at Danaya ang makikita nila, kundi si Angela at si Gerald,” sabi ni Rocco.

Ano naman ang masasabi ni Sanya rito? “Si Rocco naman po ‘yung nagtuturo sa akin,” biro ng aktres. “Pag may kissing scene na ganyan, nagtatanong na po siya sa akin, ‘Okay ka lang ba? Ganito ‘yung mangyayari.’ Hindi naman po ako binibigla ni Rocco. Mayroon naman po kaming briefing muna. So, okay naman po, gentleman naman po si Rocco. Hindi naman siya nagte-take advantage kaya okay lang po para sa akin.”

Samantala, nilinaw nina Sanya at Rocco na wala pa sila sa ligawan stage. “Sa ngayon po kasi parang hindi pa po kami papunta doon. Sobrang close po kasi kami e, kaya madalas napagkakamalan kaming nagliligawan, madalas napagkakamalang kami na,” ani Sanya.

Tumulong na rin si Rocco sa pagpapaliwanag, “Hindi kami nagmamadali. Isang taon po kaming nagsama sa ‘Encantadia’. Si Pancho, nakita kung gaano kami naging malapit sa isa’t isa. Pero we know our priorities at ‘yung priority ni Sanya which is the show. Nakikita ko naman sa kanya na top priority niya ‘yung pagganap ng Angela dito sa show. Ang importante naman ay hindi mo minamadali ang mga bagay. If it goes there, it goes there. But we have a special bond.”

Kasama rin nila sa cast ng “Haplos” sina Thea Tolentino, Pancho Magno, Patricia Javier, Emilio Garcia, Francine Prieto, Diva Montelaba, at Ms. Celia Rodriguez. Sa direksyon ni Gil Tejada Jr., ang “Haplos” ay mapapanood sa GMA Afternoon Prime simula sa July 10.

comments