Home » Entertainment » Aljur, magiging Kapamilya na?

Aljur, magiging Kapamilya na?

5Aljur Abrenica copy copy

SPOTTED kamakailan si Aljur Abrenica na dumalaw sa production office ng ABS-CBN. Naipost pa sa social media ng isang insider ang magkasamang picture nila ni Aljur.

May mga ispekulasyon na diumano, lilipat na si Aljur sa Kapamilya Network matapos mag-expire ang contract niya sa GMA7 noong March this year. Hindi na ito ni-renew ng Kapuso Network.

Since then, tahimik lang si Aljur. Walang balita kung sino ang bago niyang manager o ano’ng management company ang namamahala sa kanyang career. Abang-abang na lang sa pahayag ni Aljur o ng ABS-CBN kung magiging Kapamilya na nga ba siya. Baka naman, napadaan lang siya doon?

Ang younger brother ni Aljur na si Vin Abrenica ay Kapamilya na at napapanood sa isang afternoon series with Maja Salvador and Joseph Marco. Gusto kayang sundan ni Aljur si Vin sa network na kinabibilangan nito ngayon?

Manganganak na this month ang live-in fiancée ni Aljur na si Kylie Padilla sa isang baby boy. Super excited sina Aljur at Kylie na makita na ang kanilang little prince.

Inaabangan din kung kailan naman sila magpapakasal. At kung nagkita at nagkausap na ba sa personal sina Aljur at Robin Padilla (Kylie’s daddy).

Manganganak din this month si Queenie Padilla, panganay na anak ni Robin. Dalawa agad ang apo ni lolo Robin.

comments