Home » Headlines » Teen natagpuang patay

Teen natagpuang patay

By: Vanne Elaine P. Terrazola

Isang binatilyo ang natagpuang patay sa ilalim ng isang tulay sa Quezon City kahapon ng umaga.

Ang bangkay ng biktima na nasa edad 12-15 ay nakuha sa madamong lugar sa ilalim ng tulay ng San Mateo-Batasan Road, Barangay Batasan Hills, dakong 6 a.m.

Ayon sa police, ang biktima ay may taas na 4’2”, payat at maputi; nakasuot ng red shirt, blue sando at denim shorts.

Pinaniniwalaan na tumalon ang biktima mula sa tulay. Nagtamo siya ng mga gasgas sa likod at duguan ang bunganga, ayon sa police.

Dinala ang bangkay sa Light Funeral Services habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

comments