Home » News » News Roundup » Lalaki nagbaril sa sarili

Lalaki nagbaril sa sarili

By: Vanne Elaine P. Terrazola

Isang 50-taong gulang na lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo sa loob ng kaniyang bahay sa Quezon City, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa pulis patay na si Deogracias Raqueño nang matagpuan ng mga kamag-anak sa kaniyang silid sa Barangay Soccorro, Cubao, dakong 6:50 p.m.

Sinabi ni Pedro, kapatid ni Raqueño, na kinailangan pa nilang sirain ang pintuan ng silid ng biktima matapos na makarinig sila ng isang putok ng baril.

Natagpuan nilang nakahandusay sa sahig ang biktima at wala nang buhay. Na-recover ng mga awtoridad sa silid ang isang .45-caliber pistol na may apat na bala.

Tumangging ibigay ng police ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima sa pakiusap na rin ng pamilya.

comments