Home » News » News Roundup » Seguridad sa Manila hihigpitan

Seguridad sa Manila hihigpitan

By: Jaimie Rose R. Aberia

Bagamat gaganapin ang State-of-the-Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Batasang Pambansa, Quezon City, mahigpit ding babantayan ng Manila Police District (MPD) ang capital city para matiyak ang kaligtasan nito sa mga banta sa seguridad at posibleng gulo sa July 24.

“The NCRPO (National Capital Regional Police Office) had said security measures during SONA would be stricter compared to last year because of some issues such as martial law and the conflict in Marawi, so here in Manila security will also be tight,” pahayag ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Nalaman ng Manila mayor mula sa MPD na gagamitin ng militant organizations ang ilang lugar sa siyudad bilang converging points bago tumuloy sa Quezon City para magsagawa ng protest actions.

Sinabi ni MPD director Chief Supt. Joel Coronel na inaasahan nila ang protest rallies sa Mendiola, Liwasang Bonifacio, Chino Roces Bridge, at Welcome Rotonda.

comments