Home » Entertainment » Aiza Seguerra, magpapalit din ng pangalan

Aiza Seguerra, magpapalit din ng pangalan

NAUNAHAN lang ni Charice Pempengco si Aiza Seguerra magpalit ng pangalan, pero ayon kay Aiza sa interbyu ni Julie Bonifacio, bago pa nag-deklara si Charice na Jake Zyrus na ang bagong pangalan niya, matagal na nilang pinag-uusapan ng “wife” niyang si Liza Dino ang pagpapalit ng kanyang pangalan.

Untitled-6 copy

Ani Seguerra, noong high school siya’y Ize ang tawag sa kanya. ‘Yung friends niya ngayon, gano’n din ang tawag sa kanya. Tulad ni Charice, na screen name lang ang Jake Zyrus, gano’n din siya, ayon kay Aiza. Pero Seguerra pa rin ang gagamitin niyang apelyido. Carissa ang tunay na pangalan ni Aiza.

Kinukunsider din niyang magpa-sex change in the near future. Hindi sa ngayon dahil aniya, hindi pa ganoon ka-advance ‘yung proseso para maging transman. Mas advance raw ‘yung para sa transwomen na marami na ang sumailalim sa proseso.

Samantala, hinangaan naman si Aiza sa pagpunta niya kamakailan sa evacuation centers sa Iligan City.

Nakipagkuwentuhan, kinantahan niya at nakipag-duet pa siya sa ilang evacuees.

Pangalawa pa lamang si Aiza na nagpunta sa Iligan City na dumalaw sa mga biktima ng kaguluhan sa Marawi City. Nauna na si Angel Locsin. Nadaig pa nila ang male celebrities.

Sino kaya ang susunod na mangangahas dumalaw sa evacuation centers sa Iligan City?

comments