Home » Entertainment » Friendship nina Coco at Vice, apektado kaya ng MMFF?

Friendship nina Coco at Vice, apektado kaya ng MMFF?

By: By GLEN P. SIBONGA

PAREHONG pasok sa inanunsiyong unang apat na official entries sa Metro Manila Film Festival 2017 ang mga pelikula ng magkaibigang sina Coco Martin at Vice Ganda. Pagbibidahan at ididirehe ni Coco ang “Ang Panday,” habang si Vice naman ang bida sa “The Revengers” kasama sina Daniel Padilla at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Untitled-3 copy

Noong MMFF 2015 ay nagkasama sina Coco at Vice sa box-office hit na “Beauty And The Bestie.” Magkasama pa rin sila noong isang taon sa “The Super Parental Guardians,” na bagama’t hindi napabilang sa entries ng MMFF 2016 ay gumawa naman ng panibagong record sa box-office kaya sina Coco at Vice ang itinanghal na Phenomenal Box-Office Stars sa nakaraang Guillermo Box-Office Entertainment Awards.

This year nga ay bida sa magkahiwalay na entries sina Coco at Vice. Kaya naman ngayon palang ay iniintriga na ang magkaibigan sa posibleng rivalry sa MMFF sa Disyembre. May mga nagkukumpara na nga sa dalawang pelikula dahil pareho daw itong hero movies. Kilala bilang isa sa Pinoy superheroes ang “Panday” dahil sa mahiwaga at makapangyarihan nitong espada. Sa interview naman kina Vice, Daniel, at Pia, inamin nilang superheroes ang roles nila sa “The Revengers.”

Kung may beauty queen daw na kasama si Vice sa pelikula sa katauhan ni Pia, beauty queen din ang bagong leading lady ni Coco na si Mariel de Leon, ang reigning Binibining Pilipinas International.

Sa story conference ng “Ang Panday” noong July 4, natanong si Coco ng ABS-CBN News kung bakit sila nag-decide ni Vice na maghiwalay sa MMFF ngayong taon. Nahingan din siya ng reaksyon tungkol sa rivalry issue.

“Hindi ko alam e. ‘Yun ang desisyon niya e. Ako gagawin ko ‘to para sa lahat ng mga tao, para sa mga sumusuporta, naniniwala at sumusubaybay sa ‘Ang Probinsyano.’ And sana ngayong Kapaskuhan mapaligaya ko po ‘yung mga tao,” sabi ni Coco sa ABS-CBN News.

comments